Thursday, December 23, 2004

pumunta ng pangasinan

nagdeploy ng program sa branch ng jamaica sa may alaminos pangasinan kahapon wednesday, cash na rin ang ibinayad nila. kanina naman kinuha ko dun sa sucat yung cheque, may withholding tax daw yung ni-charge ko, ang gulang talaga ng accountant na yun ng kliyente kong yun. binawasan pa ng dalawang libo yung singil ko sa kanila.

ang hirap talaga ng freelance, pina-patsy ka na once na singilan na. pero nakaka-comply naman ako lagi sa mga requested features nila sa program. susunod nga maghi-hire ako ng taga-singil, para hindi na ako ang direktang maniningil sa kliyente, account manager nga ba tawag dun. susunod itutuloy ko na gamitin yung company name ko. para mas business-like ang programming business ko sa kanila. hindi yung laging ni-ba-bargain nila ako.

next week sa naga bicol naman.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home