Sunday, January 22, 2006

bikoy.net » Home & Family: "May nag-iwan ng lalagyan ng langka sa ref nang walang takip. Ngayon, lahat ng pagkain sa ref lasang langka. Puto lasang langka, bibingka lasang langka, hotdog lasang langka, gatas lasang langka, pati tubig lasang langka. Sus.

May nagbigay ng tuta kay Mama dalawang linggo na ang nakakaraan. Hindi ko kinagawiang mag-alaga ng hayop. Ayaw na ayaw kasi ni Papa ng hayop. Kaya hindi ko naranasang magkaroon ng alagang hayop buong buhay ko. (Hm, sa totoo nagkaroon rin ako pero mga isda sa aquarium lang na kinasawaan ko rin nang kainin ng janitor fish lahat ng maliliit na isda). Nakakagigil man ang kakyutan ng tuta, ni hindi ko ‘to mahawakan nang higit sa paghaplos sa likod nito. Takot ako eh. Haha."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home