Bayan Muna:
Ayon sa aking Meralco bill, umabot sa 387 kilowatt-hours (kWh) ang kabuuuang kuryenteng nakonsumo ng aking pamilya noong nakaraang Marso. Nagkakahalaga po ito ng P2,537. Katumbas po nito ay mahigit P80 bawat araw.
Anu-ano po ang bumubuo ng P2,537 na dapat kong bayaran sa Meralco? Himay-himayin po natin:
1. Basic charge: P1,315.80
(387 kilowatt-hours multiplied by P3.40 per kilowatt-hour)
2. Currency adjustment: P80.90
(387 kilowatt-hours multiplied by 21 centavos per kilowatt-hour)
3. Purchased Power Adjustment o PPA: P1,255.80
(387 kilowatt-hours multiplied by P3.22 per kilowatt-hour)
4. Power act reduction: minus P116.10
(387 kilowatt-hours multiplied by 30 centavos per kilowatt-hour)
5. Total amount due: P2,537
(Basic charge + PPA + Currency adjustment - Power reform reduction)
Kung susuriin, hati sa dalawang bahagi ang aking electric bill. Kalahati po ay napupunta sa basic charge na nagkakahalaga ng P1,315. Ang kabilang kalahati po naman ay sa tinatawag na "automatic adjustments" na binubuo ng konrobersyal na PPA na P1,255 at currency adjustment na P80.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home