Sunday, February 05, 2006

Voice of the Voiceless:

Magaling Ako Magpaliwanag

Paumanhin sa aking mga mamboboso..este, mambabasa pala. Hindi po nakapaglathala kahapon ang inyong lingkod dahil ang asawa ko ay isang "adik." Kundi ba sya adik, bigla ba naman nagtrip kahapon at niyaya akong magswimming! Wala man lang kaming plano para sa bagay na yun pero syempre tuloy pa din kami kasi pag di ako pumayag, awtsayd de kulambo ako. Buti nga sa Pansol lang ako niyaya at hindi sa Hawaii kasi wala ako pasaporte. Adik sya di bah!!!
Pag-uwi namin kagabi, syempre binisita ko agad ito, nakita ko ang mga komento dun sa inilathala ko tungkol kay budo at napukaw ang aking pansin sa sinabi nung isa na samahan ko daw ulit si budo na humanap ng trabaho baka daw kasi lagi ako nitong katukin at magpalibre sa akin, syempre natakot ang inyong lingkod, isipin nyo araw-araw ko syang makikita. Ang ginawa ko, kinuha ang classified pages ng manila bulletin na binili ko nung nakaraang taon at pinuntahan ko si budo. Sabi ko sa kanya, pre, kaysa pumila tayo kahapon, ito ang dyaryo hahanapan kita ng trabaho. Syempre pasalamat agad sya sa kin kasi concern ako sa kanya. Hanap agad sya siempre. Napansin niya na karamihan call center ang nandoon. Tanong niya sakin, pre, pwede ba ko dito sa call center? Sagot ko, Oo pre, sakto yan sa isang tulad mo, sa telepono ka lang maghapon, di ka kasi pwede sa field na katulad ko, walang haharap sau...hehehe! Syempre, naging interesado ang loko, aplayan daw nya agad. Sinabihan ko sya, itsek mo muna kung ang ibang mga qualifications ay akma sa iyo. Dahil bobo nga siya, ipinaubaya niya sakin ang pagbabasa at ipaliwanag ko daw sa kaniya pagkatapos. E di wala nako magawa kundi ipaliwanag nga sa kanya. Heto ang ilan sa mga ginawa kong paliwanag sa kanya:

1. Requires team leadership skills. Pre, manager ang dating mo dito. Lahat ng responsibilidad ng isang manager, ikaw ang hahawak. Hindi nga lang pangmanager ang sweldo at ang respetong ibibigay sayo.

2. Problem solving a must. Pre, mukhang babagsak na ang kumpanyang aaplayan mo kasi naghahanap na sila ng gagawa ng solusyon sa mga problemang kinahaharap nila.

3. Must have an eye for detail. Swerte mo dito pre, wala silang QC (quality control).

4. Duties will vary. Madaming trabaho masyado. Kailangan handa ka sa iuutos ng lahat ng tao sa opis.

5. Must be flexible. Kailangan malambot ang katawan mo pre. Ipaaabot ang ulo mo sa talampakan mo para maentertain ang mga kliyente.

6. Must be deadline oriented. Ok to pre, behind skedyul ka ng anim na buwan.

7. Willing to work at night. Alanganin ako dito pre, baka akyat-bahay ang mapasukan mo.

8. 18 and above. Buti walang age limit pre.

9. Career-minded. Kalimutan mo nang may pamilya ka pag napasok ka dito.

10. Seeking candidates with a variety of experience. Kailangan eksperyensado ka na kasi papalitan mo ung siyam na daang taong humawak na sa posisyon na yan at di nagtagal.

11. Work in a fast paced environment. Trabaho agad wala nang training.

Syempre kahit sinong tangang taong katulad ng kaibigan ko magdadalawang isip na sa ginawa kong paliwanag kaya sabi nya sakin, di na lang daw sya tutuloy. E makulit nga ko kaya pinilit ko pa rin sya. Sabi ko, magaganda naman ang offer nila sa sinumang matatanggap eh. Pinaliwanag ko naman sa kanya ang mga luxury na matatamo nya pag natanggap sya. Heto naman ang mga yun:

1. Competitive salary. Di sila katulad ng ibang kumpanya na nagpapasweldo ng tama. Pahirapan dun tuwing akinse.

2. Casual work atmosphere. Tipid ka sa damit kasi kahit ano pwede mo isuot. Di naman sila magbibigay ng dagdag na sweldo kapag maganda ang suot mo.

3. Life insurance. Di ata to luxury kasi pagbebentahin ka daw ng insurance pre.

4. Free transportation. Araw-araw kang palipat-lipat ng cubicle kasi di kabibigyan ng sarili mo.

5. Free meal. Meron kayong pulburon at machakaw araw-araw.

5. Bonus + commissions for Outbound positions. Swerte mo meron ka aasahan bonus kaso tuwing pasko lang ibibigay sau. Ok lang yun ilang months na lang naman eh.

Alam nyo kung ano ginawa ni budo matapos ang lahat ng maganda kong paliwanag? Aba, natulog na lang ang loko. Nahilo ata sa pinagsasabi ko. Ganda nga ng paliwanag ko sa kanya eh. Ay naiwan nga pala niya ung resume niya skin, gusto mo ishare ko sau? Ako naman ang gumawa nun para sa kanya eh. Heto basahin mo:

Name: Potiolo Palacudio
Nickname: Budo sometimes Piolo
Sex: Unisex Age: N/A
Mobile number: still using pager - 1511231554
Education: College, June 1979-March 2005
Work Experience: Instrumental in ruining entire operation of a multi-million company
Reason for leaving previous job: Responsibility makes me nervous
Personal Qualities
Marital Status: Often Children: Various
Number of dependents: 40
Special Request:
Please call me after 5:30pm because I am self-employed and my employer doesn't know I am looking for another job.
Reference: Major Kontrapelo - Business Coordinator - 091943664.... - Tondo, Manila


Astig ung resume niya noh! Kung ako ang employer, pupunitin ko yan sa harap niya...hehehe!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home