Monday, January 23, 2006

.:Knowledge Power:.: "Health Tips ni Ka Ernie: Banaba
Ang diabetes ay sakit na namamana. Ito ay isa sa mga pangunahing sakit ng mga Pilipino.

Ngunit ang hindi alam ng karamihan, maaaring malunasan ang diabetes sa pamamagitan ng puno ng banaba.

Upang magamot ang diabetes, kumuha lang ng dahon at balat ng puno ng banaba. Pakuluan ito at inumin ang pinaglagaan.

Ang madalas na pag-inom nito ay makapagpapababa ng blood sugar.

Madali rin itong makapagpababa ng presyon ng dugo.

Hindi lang diabetes ang kayang gamutin ng banaba. Mabisa rin ito sa lagnat at diarrhea.

Ihalo lang sa tubig ang pinulbos na balat ng puno nito at inumin.

Mabisa rin ang banaba na panlunas sa namamagang mucus membrane ng bibig.

Mainam ring uminom ng pinaglagaan ng dahon ng banaba kung may sakit sa kidney at konstipasyon."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home