.:Knowledge Power:.
.:Knowledge Power:.: "Health Tips ni Ka Ernie: Ubas
Ang ubas ay mainam kainin o gawing juice ng mga nais magbawas ng timbang dahil mababa ang calories na makukuha dito.
Natuklasan sa pagsusuri sa laboratoryo na ang ubas ay may biochemical na quercetin, isang uri ng plant pigment na nakatutulong magregularisa ng lebel ng cholesterol at makabawas sa peligro ng atake sa puso.
Mainam din ang pag-inom ng grape juice para sa may alta-presyon dahil nililinis nito ang mga bara sa ugat at puso.
Ang ubas ay diuretic o pampaihi kaya mainam ito sa alta-presyon at sa mga minamanas.
Makatutulong din ito sa mga may mahinang katawan at anemic.
Rekomendado din ito sa may mga bulutong, neuralgia at insomnia. Natuklasan din na mayaman ang ubas sa bioflavonoids na tumutulong upang maiwasan ang cancer."
0 Comments:
Post a Comment
<< Home